Identidad Para Sa Kalalakihan Sa Kalusugang Patalastas: Paglikha Ng Ideyal Na Sarili (Identity Of Men in Health Advertisements: The Creation of the Ideal Self)

Authors

  • Hasanor C. Hadji Kahar
  • Ishmael Camar M. Sultan
  • Alican M. Pandapantan

Abstract

Nilalayon ng pananaliksik na ito na siyasatin kung paano hinuhubog ng mga kalusugang patalastas ang identidad at konsepto ng maskulinidad sa makabagong lipunan. Nakatuon ang pag-aaral sa kakulangan ng mga naunang pananaliksik hinggil sa aktibong papel ng pagpapatalastas sa paglikha ng maskulinidad na gahum at ideyal na sarili. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik sa pamamagitan ng deskriptibo-analitikal na pamamaraan at discourse analysis upang suriin ang labing-apat (14) na piling patalastas mula sa YouTube, Facebook, at TikTok. Pinili ang mga patalastas batay sa kasikatan nito, paggamit ng lalaking personalidad, at mensaheng may kaugnayan sa kalusugan, lakas, kagandahan, at kumpiyansa sa sarili.  Ginamit bilang batayang pananaw ang konsepto nina Elliott at Elliott (2005) hinggil sa idealisadong imahe ng katawan ng lalaki at ang pananaw nina Schroeder at Zwick (2004) tungkol sa representasyon ng maskulinidad sa patalastas. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga patalastas ay hindi lamang kasangkapan sa pagbebenta ng produkto kundi mga diskursibong mekanismo na humuhubog sa pananaw at pag-uugali ng kalalakihan. Namayani sa mga patalastas na ito ang representasyon ng lalaking matipuno, may kumpiyansa sa sarili, malinis sa pangangatawan, at matagumpay sa lipunan bilang pamantayan ng inaasahang pagkalalaki. Dahil dito, ipinapakita ng pag-aaral na ang patalastas ay may malaking impluwensiya sa pagbuo ng ideyal na identidad ng kalalakihan at maaaring magdulot

Downloads

Published

2026-06-29